top of page
Search

PHASE 7

  • Writer: Danney Ruzol
    Danney Ruzol
  • Apr 14, 2020
  • 1 min read

ree

sa kanyang malalim na paghimbing

siya ay biglang napabalikwas at nagising

pawis na pawis na tila may hinahabol

napabigkas ng “Diyos ko po”

pakiramdam niya ay totoo

kanyang tinarak na kutsilyo

bumabagabag sa kanyang isipan

nakakabinging katahimikan

huminga ng paunti unti

sinusubukang kalmahin ang sarili

“panaginip lamang ito” wika niya

nang abutin ang kanyang kumot

gulat sa dugo sakanya ay nakabalot


©️2020 by Danney Ruzol

 
 
 

Recent Posts

See All

Comments


  • facebook
  • twitter
  • instagram

©2018 by Danney Ruzol. 

bottom of page