LAST SPRING
- Danney Ruzol

- Nov 21, 2021
- 7 min read

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
I do not own the photo used for the book cover. All credits to the owner.
LILIA 🌸
Huminga ako ng malalim at binuksan ang pintuan ng flowershop.
Oh how I love the smell of flowers in the morning.
Ngumiti ako at kumuha ng isang puting Lily
Ano kaya ang magandang iayos ngayon dito?
***
"Miss ano ba pinakamagandang bulaklak dito bukod sayo?"
A man same as my age asked. Pilyo ang kanyang mga ngiti at may halong pangaasar sa tono ng boses niya
Matangkad siya at may katamtamang kulay maganda ang mga mata niya, matangos ang ilong, makakapal ang kilay at may mapangakit na labi. Pero hindi ako matitinag. Gwapo lang to pero mukhang walang laman ang ulo.
"Para kanino po ba sir?" I gave him my most sarcastic smile pero tila hindi yon alintana sakanya at nakangiti parin siya sa akin.
"Para sakin sana" napairap ako.
He laughed
"Joke lang ito naman. Ipili mo nalang ako may pagbibigyan sana ako."
Hindi naman ako maalam sa mga bulaklak, my mother was sabi niya may meaning daw ang bawat isa na iyon.
Tinuro ko ang bulaklak sa likod niya.
"Yan po sir mukhang maganda"
Nakitaan ko siya ng saglit na gulat ngunit napangiti na naman siya. Kumuha siya ng mangilan-ilan
"These are Lilies"
"Ah oo nakasulat"
"Do you know the meaning of these?"
Umiling ako
"Bakit mo pinili?"
"Kapangalan ko kasi."
He raised an eyebrow. Binayaran niya ang mga bulaklak na pinili ko para sakanya. I find him strange.
Lalabas na sana siya sa pinto ngunit huminto siya at lumingon.
"I'm Dani by the way nice meeting you, Lilia."
***
Napatingin ako sa mga bulaklak na aayusin ko. Lilies.
Hindi ko naman ito paborito but somewhat it changed my perspective towards these. Funny how it reminds me of him kahit na kapangalan ko.
***
"Hi!" Nandito na naman siya tinalikuran ko siya at kunwari inabala ang sarili.
"Ano ba pinakamagandang bulaklak dito?" Tanong na naman niya
Kunwari ay wala akong naririnig para maipasa sa kasama ko ang tanong pero wala nga pala akong kasama ngayon. Haynako
Tinuro ko ang mga Lilies. "Yan maganda"
"Yan din yung tinuro mo kahapon?"
I shrugged "yan lang maganda sa paningin ko eh kung ayaw mo roses nalang"
"Sige yan nalang. Alam mo na ba ang ibig sabihin niyan?"
"Hindi malay ko" suplada kong sagot
"Bakit mo pinili ulit kung ganon?"
"Maganda sa paningin ko."
"Sabagay parang ikaw"
***
Tiningnan ko ang langit mula sa bintana mukhang maganda ang panahon ngayon ah.
Kinuha ko ang gunting sa drawer para maputol ang sobrang ribbon and with a few last touches, okay na.
Simple lang ang pagkakaayos ko tulad ng gusto niya. Silver ribbon in a white lace tissue paper. Nothing more.
***
"Miss sungit" tawag na naman niya sakin
"Naubos na yung mga lilies sa iba ka bumili" maarte kong sabi at tinalikuranna siya ngunit pinigilan niya ako.
"I'm not here for them, nandito ako para sa ibang Lily"
Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"I'm here for you Lilia"
Natawa ako
"Para sakin? Hindi ako bulaklak"
"You know for a girl who sells flowers you could be so dense sometimes."
Nakapameywang ako.
"Aba at naginsulto ka pa. Dense dense ka diyan."
He laughed
***
"Mukhang mas maganda ang pagkakaayos mo ngayong Lilia ah" sabi ni Raya
I smiled. I always made an effort to make this beautiful bouquet. Para mapangiti ko siya. Because that's what he always does.
Inayos ko ang iba pang mga bulaklak para sa mga client na umorder. I'll finish some of these para mamaya mas mahaba ang oras ng paguusap naming dalawa.
***
"Ang ganda diba?"
Nang minsan ay sumama ako sakanya. Napakakulit niya. Sobrang kulit kaya pinagbigyan ko isang beses. Sumama ako sakanya kung saan niya dinadala ang mga Lilies na binibinili niya sa amin araw-araw.
I was at awe ang ganda nga. There were so many flowers pero nagstand out ang mga Lilies magkakaibang kulay.
I was stereotyping his attitude na hindi ko naisip na dito pala niya ito dinadala.
"I'm sorry" isang beses na sumama ulit ako sakanya sa pinupuntahan niya.
"Bakit naman?" He said smiling habang nagbubungkal ng lupa upang maitanim ang Lilies na binibili niya samin.
"I misjudged you" nahihiya kong sagot
"Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng bulaklak na yan?"
"Nagtitinda lang ako ng bulaklak"
He smirked "you know sometimes to be an effective seller you have to have a background knowledge about what you're selling"
Inirapan ko lang siya at tumawa
"It means rebirth"
"Rebirth?"
"New life. Kapag nawala hindi ibig sabihin na hindi na babalik"
***
"Alis na ako" I told Raya
"Sige ako na bahala dito ikamusta mo ako sakanya"
Nginitian ko siya at umalis na.
Medyo traffic ngayon dahil dumadami na ang mga turista. Kailangan ko magmadali baka magtampo yon.
***
"Hindi nga pwede walang magbabantay dito" asar kong sagot sakanya nang minsan kulitin na naman niya akong sumama sakanya papunta sa lugar na yon
"Isara mo nalang kahit saglit" pagmamakaawa niya.
"Kulit ng lahi mo libre na nga yang Lilies mo pati ako sasama pa sayo?"
"Pleaseeeee?" He said while pouting
"Hoy Dani tigil tigilan mo ako kita mo na busy ako ngayon malapit na ang Panagbenga" asik ko napipikon ako sakanya dahil puro tawa lang ang ginagawa niya hindi siya magseseryoso.
"Nasaan ba kasi kasama mo?"
"Pinag off ko"
"Why?"
"Pa why why ka pa diyan ikaw nalang magpunta don."
"Last naman na eh bukas hindi na kita kukulitin"
"Busy.Nga.Ako."
Kinamot niya ang likod ng ulo niya he looked defeated.
"Sige" malungkot niyang sabi
"Dani" tawag ko sakanya at nilingon ako
"Oh nakalimutan mo yung Lilies"
Inabot ko sakanya ang bouquet ng Lilies
He sadly smiled
"Do you know the meaning of these?"
"Oo Rebirth sabi mo"
"The other one?"
Nagtaka ako yun lang naman ang sinabi niya ah may dinagdag pa ba siya?
"Do your research Lilia, kapangalan mo pa naman"
"Bakit ano ba kasi ibig sabihin non?"
"Kung sumama ka kaya sakin para malaman mo?"
"Sumama na ako sayo dati hindi mo naman sinabi."
"Hindi ka nagtanong"
"Pilosopo" he laughed
"If you come with me I'll tell you."
"Busy nga ako. Kulit mo."
"Then next time" he smiled, winked and left
But the next time never came because it was the last.
***
Dumating ako sa special place niya bitbit ang mga bulaklak na ginawa ko para sakanya.
Medyo natagalan ako baka nagtatampo na yon.
Pero hindi naman siguro dahil kahit anong sungit ko, hindi siya nagalit kahit anong taboy ko nandyan parin siya nakangiti.
"Late ako ng 5 minues Dani" bungad ko at naupo sa tabi niya
Kinuha ko ang ibang panlinis para maayos ang paguusap namin.
"Kamusta? Ako eto okay naman medyo busy"
Huminga ako ng malalim
"I missed you"
***
"Sino tinitingnan mo diyan?" Raya asked
"Ah wala" sagot ko
"Nako hinihintay mo si Dani no? Ilang araw na ba yon nung huling punta? Baka nagtampo sayo ikaw kasi hindi ka sumama."
"Wala kasing magbabantay dito"
"Pwede naman isara saglit Lilia hindi naman fastfood resto ang shop mo."
"Ewan ko sayo"
"Sungit talaga" halakhak ni Raya
Baka madami na siyang ginagawa kaya hindi na siya bumibili ulit.
I shook my head
Bakit ko ba siya hinahanap? Hindi naman kami ah hindi ko naman yon gusto.
Ginulo ko ang buhok ko at bumalik nalang sa pag aayos ng mga bulaklak nang may dumating na isang lalaki.
Nakatingin siya sakin
"Ikaw ba si Lilia?" The guy asked
"Ah oo bakit sino ka ba?" Mataray kong sagot baka mamaya holdaper to eh. Don't talk to strangers pa naman motto ko haha
"He's right" he murmured
"Anong he's right? Narining kita bakit mo ako kilala at ano ang kailangan mo?"
"Dani told me to give you this and he said na sumama ka sakin so we can go to his special place."
May inabot siya saking sulat at isang pirasong lily.
"Para san to?"
"You'll know when we get there." Seryoso niyang sagot.
Somehow nawala ang pagtataray ko because he seemed familiar. May kamukha siya.
Nilingon ng lalaki si Raya
"Can I borrow your boss for a sec. Ibabalik ko din. Hindi ko type." Sabi nito
Natawa si Raya.
"Sige po sama niyo na useless yan ngayon dito kasi wala yung nangungulit sakanya."
***
"Alam mo ba nagexpand ang flower shop? Kulit mo kasi sabi mo aralin kong mabuti ang kahulugan ng bawat isang bulaklak kaya ayon napadami ang nalalaman ko sa mga iyon which result to me having to sell various types." I said
"Ano naman pinagkakaabalahan mo ngayon? Siguro ang kulit mo diyan no lagi kang paniguradong may inaasar."
Humangin ng malakas kaya nagulo ang buhok ko.
***
We went to Dani's secret place but he's not here.
"Pinagloloko mo lang yata ako eh!" Akmang tatakas na ako dahil baka mamaya masamang tao to
"Teka, nandito siya" pigil niya sakin
Nilibot ko ang paningin ko ngunit wala akong nakikita.
"Bulag ka ba? O high? Dalawa lang tayong nandito."
Hinila niya ako sa gitna may isang lapida sa gitna ng napakaraming bulaklak.
"Ayaw niya sabihin sayo dahil ayaw niyang maawa ka lang sakanya he wanted to get your attention by his efforts not by his condition."
"Na love at first sight sayo ang kapatid ko his dysfunctional heart made him fall in-love with you."
"You bring happiness in his remaining days and he's thankful for that."
***
"Ang daya mo naman" pinalis ko ang mga luha sa mata ko
"Bakit hindi mo sakin sinabi?" Natawa ako sa sarili ko dahil dalawang taon simula nang nalaman ko ay pareho lang din ang tinatanong ko.
"Papayag naman ako na makipagdate sayo kung kinulit mo pa ako lalo." Biro ko at humangin muli
A white butterfly went to my bouquet
Maybe he's here
Napangiti ako
Gaya ng araw-araw kong ginagawa kinuha ko muli ang sulat niya na binigay sa akin noon ng kapatid niya.
And for the nth time I opened his letter and read it again from my heart.
Lilia,
In a different parallel of the universe I would be reborn and we would meet so we can finally fall inlove again.
Dani
I closed his letter.
Nilagay ko ang Lilies sa tabi ng lapida niya
At ngumiti
The other meaning was mourning but he doesn't want that and he believes in rebirth. So do I.
"In another life Dani."
(Author’s Note: This story is also available ong Wattpad.)






Comments