LAST SUMMER
- Danney Ruzol

- Nov 18, 2021
- 4 min read
Updated: Nov 19, 2021

DISCLAIMER
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
I do not own the photo used for the book cover. All credits to the owner.
RAYA ☀️
Nararamdaman ko ang init ng araw na tumatama sa aking mga balat.
Nanumbalik sa akin ang lahat ng mga ala-ala
Ganitong ganito din noon nang una akong bumalik sa lugar na ito.
"Bagay na bagay sayo ang flower crown Raya"
Ngumiti ako sakanya.
"You are the most beautiful bride to be"
Tiningnan ko ang kulay asul na langit. Ang ganda ng panahon tamang tama sa magaganap ngayon.
Tumayo ako sa labas ng pintuan ng simbahan.
Umihip ang malamig na hangin kahit na mainit ang tirik ng araw.
My white lace chiffon gown was swaying with the winds nagmukha akong lilipad sa dinulot ng hangin sa damit ko.
Naghihintay na sila.
Huminga ako ng malalim. Handa na ako.
Unti-unting nagbukas ang pintuan
Tahimik ang paligid tila inaabangan nila ang aking pagdating.
Nagsimulang tumugtog ang violin at piano kasabay ng pagtayo ng mga taong nasa loob.
Ang kulay puti at pulang mga rosas ay maiging ipinalibot sa mga gilid ng bawat upuan at sa gitna ng altar. Ang arko na iniligay sa itaas upang magsilbing dagdag dekorasyon at ang pulang carpet na inilatag sa sahig ng simbahan.
Tila isang prinsesa ang dadaan dito.
Napangiti ako. Napaghandaan itong mabuti.
"Anong gusto mong bulaklak sa kasal natin?" Tanong niya
Tulad ng mga nakaraang araw ay nakatambay na naman kaming dalawa sa malaking duyan na nakakabit sa veranda ng kanilang tahanan.
Laging mainit ang panahon kapag magkasama kami ngunit hindi iyon alintana sa aming dalawa.
"Gusto ko ng Sunflowers" sagot ko
"Sunflowers? Parang hindi naman yata pangkasal yon?"
I chuckled
"Sunflowers represent our love"
Tumaas ang kilay niya
"Because we met on a summer under the heat of the sun"
Inugoy niya ang duyan
"You thought about this deeply" he said and hugged me
I held his arm that was hugging me from the back
"Then sunflower it is. Whatever you want as long as it makes you happy it would make me happy too."
Sinimulan kong humakbang patungo sa altar
dahan dahan katulad ng napagusapan.
My silver stilettos were shining brightly against the red carpet laid on the church. Kumikinang siya kapag natututukan ng sinag ng araw na nanggagaling mula sa bintana sa itaas.
Nagmistulang maliliit na tala ang bawat paglakad.
Huwag kang madadapa Raya nakakahiya sa mga bisita.
Nilingon ko ang mga taong saksi ng araw na iyon. Masayang masaya sila. May pinaghalong luha at ngiti sakanilang mga mukha.
At sa dulo ng lalakaran ay ang altar kung saan ay naroon siya.
Naghihintay.
"Rae si Ravi Fiancé ko"
Naglahad ng kamay si Ravi sa kapatid ko
"Ravi"
"Rae"
Natatanaw ko na siya nakasuot ng puting barong. He looks handsome with his clean cut hair. His eyes were always the same but today was different mas masaya ang kanyang mga mata despite the tears that were coming.
Tears of joy ang nakikita ko sakanyang mga mata kung hindi ako nagkakamali.
Tinatapik tapik siya ng kanyang bestman sa kanyang balikat at may ibinulong ito kaya umayos siya ng pagkakatayo.
Nagkatinginan kaming dalawa, ngumiti ako sakanya. Lahat ng pinagsamahan namin ay tila bumalik na parang isang nobela. Ang mga masasaya at masasakit na aming pinagdaanan ay aking muling naramdaman.
"Pagbalik mo Raya, magpapakasal na tayo, Pangako"
Ang mga katagang kanyang sinabi na pinanghawakan ko bago ko napagpasyahan na abutin ang aking mga pangarap sa Maynila.
Para sa akin. Para sa amin at sa bubuuin naming pamilya.
Ngunit katulad ng mga nagmamahalan ay may mga panahon din na susubukin ang inyong relasyon pero pipilitin niyong ayusin dahil mahal niyo ang isa't isa.
Pero minsan kapag naglaro ang tadhana ang mga bagay na kaya pang ibalik ay hindi na magagawa pang ayusin.
At wala kang magagawa kundi tanggapin.
Now I know why people are saying that promises are meant to be broken.
"I'm sorry Raya"
Nakaluhod siya sa aking harapan habang umiiyak.
Ito tangi niyang nasabi nang sa wakas ay umuwi ako para tuparin ang naging pangako namin sa isa't isa.
"Bakit Ravi?" sagot ko nang nagkaroon ako ng lakas upang magsalita kahit nagkanda buhol-buhol na ang lahat ng sasabihin ko dahil sa mga luhang bumubuhos sa aking mga mata.
"Sinubukan kong pigilan Raya pero..."
Kaunting hakbang nalang at malapit na ako.
Malapit na ako sakanya
Papunta na ako sakanya.
"Siya ang mahal ko."
Pilit kong pinipigilan ang mga luhang nais mamumo sa aking mga mata.
Magpakatatag ka Lilia.
Nilingon ko ang kapatid ko, hawak ko ang kamay niya.
Ngumiti ako kay Rae pinisil niya ang kamay ko at bumulong
"Masaya ako Raya"
Pinisil ko din pabalik ang kamay niya
Matatanggap ko din ito.
Sa tamang panahon,
Maghihilom din ang puso ko
"Masaya din ako Rae"
Nang makarating kami sa altar ay ibinigay ko ang kamay ng kapatid ko sakanya
"Alagaan mo ang kapatid ko Ravi."
Ngumiti siya sa akin
"Salamat Raya"
(Author’s Notes: This story is also available on Wattpad.)
PS. This was supposed to be just a one shot but I guess a few more chapters from them wouldn’t hurt right? Haha.






Comments