PHASE 4
- Danney Ruzol

- Mar 26, 2020
- 1 min read

Sa unang pahina tayo ay pinagtagpo
parang itinadhana na tayo ay magkasalubong
mga mata mo sa akin ay tumurok
hindi malilimutan hanggang sa pagtulog
sa kalagitnaan ng pahina tayo ay nagmahalan
mga pangako sa isa’t isa ay binitawan
sa nalalapit na pagwawakas ng pahina
siya ring naging katapusan ng ating pagmamahalan
ang ating pag-ibig ay mahahalintulad sa isang libro
tayo ay hindi sinasadyang magkakilala
ngunit hindi din tayo inilaan magkatuluyan ng may akda.
©2020 by Danney Ruzol






Comments