PHASE 22
- Danney Ruzol

- Dec 30, 2020
- 1 min read

hindi mapigilan ang pagluha
tuwing sasapit ang gabi
sinasabayan ng pagngiti
kahit ramdam ang pighati
Hinahayaan niyang maramdaman
hapdi ng hanging amihan
Bawat hakbang niya palapit
ay siyang atras niya palayo
parang isang sayaw
na isa lang ang nais gumalaw
naisin mang ikaw ay tawagin
upang ikaw ay tangayin
ilayo sa mga sakit
at ikulong nalang sa aking mga bisig
©️2020 by Danney Ruzol






Comments