PHASE 17
- Danney Ruzol

- Sep 13, 2020
- 1 min read

palakpakan para sa mga
taong lumalaban
sa isang digmaang
hindi nila kayang ipaalam
para sa katahimikan ng kanilang kalooban
isang ngiti para sa taong may malalim na pighati
at may kinikimkim dahil sa mga taong nakapaligid
mabuting loob para mailayo siya sa isang pangyayaring masalimuot
gaano ba kalalim ang kailangan niyang harapin para lang makamit ang mga ngiting kanyang nais.
©️2020 by Danney Ruzol






Comments