PHASE 1
- Danney Ruzol

- Mar 23, 2020
- 1 min read

Pagbukas ng pintuan aking natagpuan,
isang kwadradong lagayan
naglalaman ng ating mga larawan.
mga alaalang pilit itinago
ilang taon na ang naglaho,
iniyakan masasayang pinagsamahan
kinalimutan at unti unting lumisan.
nakaraang hindi na kayang balikan
pagmamahalang kanya nang tinuldukan.
©2020 by Danney Ruzol






Comments