PHASE 16
- Danney Ruzol

- Sep 10, 2020
- 1 min read

mga balikat nati’y magkadikit
habang nakaupo sa ilalim ng
mga nagniningning na bituin
mga salitang nais bigkasin
nauutal sa dami ng gustong sabihin
sa tagal ng hindi pagkikita
pananabik sa mga mata ay kitang kita
“Namiss kita” sambit ko
mga ngiti sa kanyang labi ang
kanya lamang naitugon
hindi makakibo at niyakap nalang ako ng lubos.
©️ 2020 by Danney Ruzol






Comments